Spoken Word Poetry : Kilala na Kita

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita
Hindi pa man nakikita ng mga magulang mo ang mukha mo, alam ko na
Hindi pa nila alam ang ipapangalan sayo, kung babae ka o lalaki, pero ako kabisado ko na
Kabisado ko na ang hulma ng mukha mo lalo na kapag tumatawa ka
Ngunit ang pinaka-ayoko ay ang hulma nito kapag umiiyak ka

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita
Alam ko na na magiging akin ka
Alam ko na darating ang panahon na makikilala mo din ako
Matatagalan ngunit hindi mapipigilan ang ating pagtatagpo
Masasabi mong oo, sigurado ako na magkikita tayo
Kahit malawak ang mundo at madami kang gagawin sa buhay mo
Oo, sigurado ako na tayo’y magtatagpo

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita
Alam kong gugustuhin mong makilala din ako
Ngunit maaaring matagalan o magkaberya
Pero sigurado akong pipiliin mo ako
Kahit ilang taon pa ang lumipas, kahit ilang tao pa ang dumaan sa buhay mo
Sa akin ang bagsak mo

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita
Doon sa pagkakataon na yun, sobra na akong naging interesado sayo
Sa bawat taon na dinadagdag sa buhay mo
Binibilang ko ang bawat hibla ng buhok mo, o bawat nunal na meron ka sa katawan mo
Kabisado ko ito

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita
Napagtagpi-tagpi ko na ang storya mo
Nalaman ko na kung ilang beses kang maliligaw sa landas mo
Pero babalik ka, babalik ka sa kung kanino ka talaga nakalaan
At yun ay sakin
Hindi magiging madali ang lahat para sayo pero pinapangako kong sasamahan kita

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita
Alam kong lalaki kang may mga kinatatakutan at kinasisiyahan
Alam kong darating yung araw na kamumuhian mo ang bagay na dati’y mahal na mahal mo
Alam kong magbabago ang mga hilig at ayaw mo pero hindi ko alintala ito
Dahil sigurado ako na ako ay isa mga hindi magbabago sa paningin mo

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita
Alam kong mahuhulog ka sa kanya at posibleng masaktan ka niya
Ngunit hinayaan ko lang
Parte yan ng buhay mo at handa akong tiisin ang sakit para lang matuto ka
Alam kong kukwestyunin mo ako sa mga bawat desisyon ko para sayo pero hindi ka tatalikod
Dahil alam mong ni minsan hindi rin ako tumalikod sayo
At hinding-hindi ko gagawin ito

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita
Alam ko kung kailan bibilis ang tibok ng puso mo
Pag kinakabahan ka, pag sobrang saya mo o kaya pag nagagalit ka na
Alam ko kung kailan parang hihina ang tibok nito
Dahil sa mensaheng natanggap mo na nagdulot ng lungkot at takot para sayo
Alam ko ang lahat ng ito

Alam ko rin kung kailan titigil ang pagtibok ng puso mo
Pag tapos na ang lahat kapag natapos na natin ng sabay ang storya ng buhay mo
Titigil na ito, pabagal ng pabagal hanggang sa mawala ito
At sa pagkakataong iyon, babalik ka sa bisig ko
Kung saan unang beses kong inilahad ang katauhan mo

Nung unang beses na tumibok ang puso mo, kilala na kita
Kaya magtiwala ka sakin
Dahil hindi kita hahayaang mawala sa paningin ko
Sa oras na piliin mong makilala ako

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s